NEWS

Gob. BAC muling tinanghal na
most outstanding LCE sa bansa

By Raul L. Caliwag
Ang Bagong Aurora

Gob. BAC muling tinanghal na most outstanding LCE sa bansa

Tinanghal sa ikalawang pagkakataon ang Punong Panlalawigan Bellaflor J. Angara-Castillo bilang Most Outsanting Local Chief Executive sa Pilipinas dahilan sa kanyang Pioneering Programs on Social Welfare Services.

Ang nasabing parangal ay iginawad para sa kanya ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPI) sa idinaos na ika labindalawang National Social Welfare Development FOrum sa Waterfront Hotel. Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan ng mga opisyales ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Provincial Social Welfare Development (PSWD), Municipal SOcial Welfare Development (MSWD) at Day Care Worker's Federation sa buong bansa.

Tinanggap ni Gng. Aida H. Rutaquio PSWD Officer ng Aurora bilang kahalig ng gobernadora ang plake ng pagkilala mula kay Ernesto Montecillo, pangulo ng ALSWDOPI at dito ay pinapurihan ng grupo ang gobernadora sa kanyang 6 Point Agenda para sa lalawigan na may katitikang HEALTH (Health, Education, Agriculture, Livelihood, Tourism, at Human Development). Ito ay nakatuon sa serbisyo para sa lahat ng mamamayan ng Aurora lalong lalo na sa mga salat sa buhay, may kapansanan, katutubo, single mother at senior citizen.